Saturday, February 26, 2011

Puno

Ang mga dahon ng Alaala sa Talambuhay ni Bernadette L. Batoy, IV-Science


       Minsan ang buhay natin ay parang isang puno na lumalaki at nagbabago na lamang sa paglipas ng panahon. Ang masaya at makulay na buhay ng isang nilalang sa mundo ay napakasarap balikan lalo na kapag ikaw ay may mga nakatutuwang alaala sa ugat ng ating pagkatao na nakatala sa mga dahon ng ating malayang isipan.


2 buwang gulang
      Ang puno ng aking buhay ay nagsimula sa matinding sikat ng araw ng pagmamahalan ng aking ama na si Bernardo at ng aking ina na si Ruth. Sa kanilang pagsasama ay nagbung ang panganay na si Jhon Rey. Dito lalong tumibay ang kanilang pagmamahalan sa pagdidilig ng walang kamatayang pag-aalaga sa isa't isa. Noong ika-18 ng Setyembre, 1994 ay laking pasalamat nila sa Diyos dahil sa isang batang biniyaya sa kanila. Siya ay nagngangalang Bernadette, ang mismong awtor ng lathalaing ito. Ipinanganak ako sa Tguig, Metro Manila. Dalawang buwan ako noon nang ako ay nag-aral maglakad ayon sa aking ina.

       Tatlong buwan ako noong ako ay bininyagan. At doon lumaki mula pagkamulat hanggang sa ako ay unang nag-aral. Noong ako ay tatlong taong gulang, mahilig kaming ipasyal ng aking mga magulang at madalas din ang aming pagsisimba at kumakain sa iba't ibang lugar.
ako at ang aking kuya

       Noong ako ay nag-aaral na sa kinder ay nakilala ko ang aking kauna-unahang matalik na kaibigan, si Patricia T. Largo. Tandang-tanda ko pa noon, ako ang naging kinatawan ng buong klase upang kumanta sa aming Christmas Party. At iyon ay dahil sa kanya. Suportadong-suportado ako ni Patricia, kaya naman hindi ko siya malilimutan noon. Hindi parin nabubura sa isip ko ang mukha niya kahit iisa lamang ang larawan naming dalawa.



       Nang ako ay nagtapos ng kinder ay umalis na ang buong mag-anak namin at dito na lamang nanirahan sa San Pablo. Anim na taong gulang ako noong kami ay lumipat dahil sa aking tiyahin. Nag-aral ako sa paaralang elementarya ng San Nicolas. Dahil nga sa ako ay bago sa lugar na iyon, hindi ko kinakausap ang aking mga kaklase maliban sa aking katabi na si Charmaine. Nakita ko ang katauhan ni Patricia kay Charmaine kaya naman mabilis na gumaan ang loob ko sa kanya. Grade 1-B ako noon ng nakalaban ko ang top sa section A na si Claudine dahil nakitang mas mataas daw ang aking mga marka sa card kaysa sa kanya. Pinaglaban kami noon dahil hindi makapagdesisyon ang aming mga guro kung sino sa aming dalawa ang gagawing first honor. Huli na kasi akong nag-enrol kaya naman ako napunta sa B. Noong pinaglaban na kami ay naging malamang siya ng dalawang puntos sa akin. Kaya naman si Claudine ang first honor at ako ang second, ka-tie ko pa noon si Emil na nagmula rin sa A.





       Noong recognition ko noong grade 1, walang kahit isang bata ang nakakakilala sa akin kaya naman ako ay tahimik lamang sa aking kinauupuan. Dahil nga sa ako ay naging honor noon, napunta ako sa section A at naiwan ko si Charmaine. Sa pagpapatuloy ng aking buhay sa elementarya ay maraming karanasan ang dumating sa akin. Inilalaban ako sa iba't ibang subject tulad ng makabayan at science. Pero, ang pinakamaganda dyan, pag mayroong mga math contest ay ako ang ginagawang kinatawan ng buong paaralan. Masayang-masaya ako noon dahil paborito ko ang subject na math. Impluwensiya ito sa akin ng aking ama na ito rin ang hilig. Susud-sunod akong nagkaroon ng biyaya dahil patuloy lamang akong napapasali sa mga may karangalan. Pangalawa ako noong grade 2 at pangatlo naman mula grade 3 hanggang sa ako ay magtapos ng elemntarya na may karangalan ding Outstanding Girl Scout. Pero bago iyon ay isang magandang karanasan din na ako ay naihalal na pangulo ng aming paaralan na nagampanan ko naman ng maayos dahil sa matapang kong ugali.


       Ngayong ako ay nasa hayskul na, maraming pagbabago ang dumating sa buhay ko. Bago ako maging estudyante sa Dizon High ay ipinasya kong kumuha ng entrance exam upang mabilang sa science section at nakapasok nga ako.




       Sa pagpasok ng aking unang taon sa buhay hayskul ay nagkataong kaklase ko uli si Mariz. Siya ay matagalko nang kaklase sinmula nang ako ay mapalipat sa A noong ako ay elementarya. Sa umpisa ay siya nalang muna ang nilalapitan ko pati na ang katabi ko na si Maurice o mas kilala sa tawag na Maan. Si Maan ang pinakamatagal kong nakasama at nakasundo dahil kahit kailan, hindi kami nag-away. Siya din ang kasalukuyang kong tinuturing matalik na kaibigan. Sa buhay hayskul ko rin naranasan ang makipaglokohan at makibagbiruan. Doon ko rin nakilala ang mga taong nagpapasaya sa aking araw-araw, ang mga kaibigan ko. Doon rin ako natutong makipagkaibigan at gawing malambot ang aking puso dahil noong ako ay nasa elementarya ay kilos lalaki ako at ubod ng tapang. Wala akong kinakatakutan noon, pero noong makilala ko sila, dito na lamang ako nagbago ng lubusan.


       Marami rin akong naranasan ngayong ako ay nasa hayskul na. Dito ko nadiskubre ang aking iba't ibang talento katulad nga pagtula. Naranasan ko ring mapunta sa malalayong lugar dahil dito. Unang karanasan ko rito ang Balagtasan kung saan kasama ko si kuya Marvin at kuya Patrick sa Pasig. Tinuruan ako noon ni Sir Lacsam. Pati na rin ang Jazz Chant na ginanap sa Batangas at ang huli ay ang mga nakaraang laban ko lamang ngayong taon gaya ng sa APEX at sa NSO. Ang iba man ay nanalo at ang iba man sa mga laban kong ito ay di pinalad, mayroon naman akong baong karanasan sa mga ito. Ngayon na ako ay nasa ikaapat na taon na, sa ngayon ay pinagtutuunan ko ng pansin ang aking nalalabing pagtatapos ng hayskul.
      
     Sa pagtatapos ng aking lathalain ay natuklasan ninyo ang mga alaala ng aking buhay mula sa aking pagkamulat hanggang sa kasalukuyan na nakatala hindi lamang sa blog na ito, pati na rin sa mga dahon ng aking sariling isipan na lubos namang nagpapaligaya sa atin ang ating mga alaala at nakakatuwang balikan na lamang sa tulong ng pamamahagi ng kwento at mga larawan.






      

Monday, February 14, 2011

courtesy of google
Nasa taong 2018 nang ang paaralan ng Dizon High ay hinangaan simula nang ang library ay pinaayos at mas pinaganda. Ito ay hindi pahuhuli pagdating sa mga pasilidad o kagamitan kung tatanungin. Ito nga ay kumpletong kumpleto dahil sa makabagong encyclopedia, almanac, magazine at mga dyaryo. Pero isang malaking hiwaga ang bumabalot dahil sa librarian ng silid-aklatan na nagngangalang Jhon. Kaya naman hindi magamit ng komportable ng mga estudyante ang kabuuan ng silid-aklatan. Isa na sa mga pinaghihigpitan dito ang stock room na nakapwesto lamang sa sulok. Si Jhon ay isang matalino, masipag pero may pagkamisteryosong estudyante na trabaho na ang magbantay sa silid-aklatan. Kahit ang mga sarili niyang kaklase ay nahihiwagaan sa sobrang tahimik nito maliban kay Mulo, ang kanyang matalik na kaibigan. Si Mulo ay ang kabaligtaran ng ugali ni Jhon dahil sa pagiging makwela nito at palabiro.

Si Diane ay isang estudyante mula sa IV-Science na siyang presidenteng Student Council ng paaralang Dizon High. Siya ay isa ring matalino at masipag na estudyante sa kanilang seksyon at nabibilang sa mga honors. Siya ay palaging abala sa mga gawain sa paaralan at aktibo sa mga extra curricular activities kagaya ng mga laban sa iba’t ibang larangan.

Ginabi na si Diane sa kanyang pag-uwi dahil sa bumili siya ng mga gagamitin para sa kanyang proyekto. Pagdating niya sa kanilang bahay ay eksaktong kumakain na ang kanyang kapatid. Sinabayan niya ito at saka gumawa ng kanyang takdang-aralin. Dahil sa sobrang pagod, habang siya ay nag-aaral ay bigla na lamang ito nakatulog sa kanyang lamesa.

Napakaliwanag ng paligid. Nakatayo si Diane sa isang tabi. Mayroong isang tao sa malayo…..isang lalaki. Hindi niya ito mamukhaan kaya naman tinawag niya ito. Ngunit ang lalaki sa kanyang panaginip ay bigla na lamang naglalaho. Bago pa mangyari iyon ay nakita niya ang mukha nito. Pamilyar ang kanyang mukha…..parang nakita na niya ito minsan sa kung saan man. Hinabol niya ang lalaki hanggang sa ito ay mawala na sa kanyang paningin. Lumingon lingon siya sa paligid. Naaninag na naman niya ang lalaki at bigla uli itong nawala. Paglingon niya sa likod ay nakaharap ang lalaki sa kanya at bigla na lamang siya niyakap. Doon na lamang lalong nagtaka si Diane. Umiyak ang lalaki kaya naman hinayaan lamang niya ito dahil alam niyang iyon lamang ang kanyang maitutulong sa kaawa-awang nilalang. Mga ilang sandali ay nagising na si Diane. Tiningnan niya ang orasan at ito ay umaga na pala. Nagmadali itong bumaba sa kanyang kwarto at bilis-bilis itong naghanda upang pumasok.

Pagdating niya sa paaralan ay tinapos niya ang kanyang takdang-aralin na hindi natapos. Pasalamat siya noon dahil wala ang guro nila sa unang subject na research. Sa mga oras ng klase nito ay naiisip pa rin niya ang kanyang panaginip…..ang lalaki sa panaginip. Nagtataka talaga ito kung bakit siya niyakap nito habang umiiyak. Naisip nalang niya na maaaring may problema ito ngunit paano niya matutulungan ang taong iyon kung hindi naman niya ito kilala. Gumising nalang bigla ang kanyang diwa nang marinig niya ang tunog ng bell. Ang kanyang lalong ipinagtataka ay paulit-ulit na niya itong napapanaginipan ng hindi man lang niya napapansin sa una.

Nang umaga ding iyon ay pinaubaya naman ni Jhon kay Mulo ang kanyang trabaho sa silid-aklatan dahil sa siya ay may gagawing importante. Sa kanyang pag-alis ay ang siya namang pasok ni Diane sa nasabing lugar upang mag-aral para sa kanyang Science Investigatory Project ngayong kanyang bakanteng oras. Habang siya ay naghahanap ng librong magagamit ay hindi niya sinasadyang matapon ang isang lalagyan ng tinta sa tabi ng lumang bookshelf. Wala na siyang ibang naisip na paraan kundi ang pumunta sa stock room at kumuha ng basahan upang linisin ang duming kanyang nagawa.

Nang siya ay pumasok na sa kwartong iyon, nag-umpisa na siyang hanapin ang basahan. Nakita niya ito sa tabi ng isang malaking kabinet na puno ng mga sapot. Mga ilang segundo ang nakalipas ay biglang may tila tumunog sa loob ng kabinet na ito. Sa pagtataka ni Diane ay nagdesisyon siyang buksan ito. Sa pagbukas niya ng pinto ng kabinet ay nakita niya ang isang pababang hagdan at siya ay pumasok upang tingnan ito. Napakadilim sa loob..… kaya naman  ginamit niya ang kanyang cell phone para makita niya ang kanyang dinadaanan. Nagpatuloy siya sa paglakad….. hanggang sa makita niya ang ilaw sa dulo ng kanyang pupuntahan. Tinakbo niya iyon. Nang siya ay makalabas ay nagulat siya sa kanyang nakita.

Nakita niya ang lalaki sa kanyang panaginip. Kahit nakatalikod lamang ito ay nakilala niya ito agad. Ilang sandali ay humarap ang lalaki sa kanya.



“Sino ka? Paano ka nakapunta sa lugar na ito?” sabi ng lalaki.

Natakot si Diane sa una palang. Ngunit naalala na naman niya ang kanyang panaginip. Naisip niya ang pangyayari na baka nangangailangan ng tulong ang lalaking iyon.

”Pasensya ka na kung napapunta ako rito. Hindi ko naman sinasadya. Ang totoo niyan ay aksidente lamang akong napapunta rito dahil kumuha ako ng basahan. Nag-aaral ka ba rito?” tanong ni Diane.

Nagulat si Jhon nang ngumiti ito sa kanya. Kamukha niya ang babaeng minahal niya ng tatlong taon. Parehong-pareho ang ngiti nito sa kanya kaya naman hindi niya napigilang mabanggit ang pangalan ng iniibig. Natulala ito sa kanya.

“Ha? Okay ka lang? tinatanong ko lang naman kung dito ka sa Dizon napasok, kung sinu-sino naman binabanggit mo…lasing ka no? kailangan kitang i-report sa opis.” Sabi ni Diane sa kausap.


“Pasensya ka na miss, may naalala lang ako. Dito nga ako napasok, 4th year.” Tugon naman ni Jhon. “Maaari ka ng lumabas dito dahil sikretong lugar ito at hindi nga pala ako lasing. Ngayon bago ka umalis dito, nais ko lang ipakiusap na huwag mong sabihin sa iba ang nakita mo. Maliwanag ba?” dagdag nito.

Aba teka, ako na nga itong humihingi ng dispensa kung bakit ako nakarating dito ng di sinasadya tapos paaalisin mo lang ako. Ang daya mo naman! Gusto ko lang namang makipagkaibigan sa maayos na paraan dahil nakikita kong mabait ka.” Sabi ni Diane.

“Pasensya na rin kung ayaw ko makipagkaibigan sayo kaya umalis ka na.” galit na sabi ni Jhon

“Bahala ka na nga, tingnan lang natin kung makakapunta ka pa rito sa lugar mo kung sasabihin ko ito sa Prin―”

“Teka lang, ano ba dapat kong gawin para tulungan mo akong ilihim ito?” tanong ni Jhon.

Nag-isip ito ng kanyang ikokondisyon sa kausap hanggang sa wala siyang masabi na dapat gawin ng lalaki. Ilang minuto ang nakalipas bago magsalita si Diane. “Hmm…siguro sapat na sa akin na hahayaan mo akong makipagkaibigan sayo at maki-share­ dito sa hide out mo, ano payag ka?”

Matagal rin bago sumagot si Jhon sa kausap. At sa huli ay pumayag din ito. Tutal ay matagal-tagal na ring wala siyang nakakasalamuha at nakakasama sa lugar na iyon. Matapos pumayag ni Jhon ay nagpakilala ang dalaga sa kanya bago ito umalis.

Pag-alis ni Diane ay agad na pumasok sa isip ni Jhon ang mukha niya. Kamukhang-kamukha niya si Dianna, ang babaing una at huling nagpatibok ng puso ng binata. Ang ngiti nito, ang tindig, pati na ang paraan ng pananalita ay katulad na katulad sa kanya. Napaluha si Jhon nang maalala niya ang pag-alis nito dahil sa desisyon ng magulang na tumira ito sa ibang bansa. Naalala din nito ang masasayang araw na magkasama pa sila. Simula ng kanyang pag-aaral sa hayskul, ang lugar kung saan sila unang nagkakilala at nagkita―ang Dizon High. At ang kanilang paboritong lugar sa loob ng library na iyon, ang madalas puntahan ng dalawa kapag sila ay may mga bakanteng oras. Ang lahat ng iyon ay pumasok sa isip ni Jhon habang patuloy na lumuluhang nakaupo lamang sa isang tabi. Naalala din niyang 3 taon na sana sila ngayon kung hindi lang siya iniwan nito.

Sa kabilang banda, naisip din ni Diane ang mukha ang lalaki. Siya nga ang taong nasa panaginip niya. Sinadya niyang makipagkaibigan dito upang malaman ang hiwaga ng panaginip niya at ang koneksyon ni Jhon sa kanya.

Nang gabing iyon ay nakahiga lamang si Diane sa kanyang kama at patuloy pa rin ang pag-iisip tungkol sa pangyayaring iyon. Sumasakit na ang kanyang ulo dahil sa dami ng tanong sa kanyang isipan na hindi mawari ang mga tamang sagot tulad ng hindi niya malaman ang dahilan kung paano nagkaroon ng isang tagong lugar sa kanilang library. Kahit na siya ang pinakakilala sa eskwelahan dahil siya ang kauna-unahang presidente ng student council na galing sa science curriculum section ay hindi niya talaga alam ang tungkol sa bagay na ito. Akala niya ay alam na niya ang lahat, akala niya na alam na niya ang bawat kilos ng mga estudyante sa kanilang paaralan dahil sa tagal ng panahong dito siya nag-aral ng 4 na taon. Nagtaka rin siya kung bakit ngayon lang niya nakilala si Jhon samantalang ka-batch niya ang lalaking ito. Malamang ay dahil ito sa pagkatahimik niya at pagkamisteryoso. Sa dami ng kanyang pagmumuni-muni ay nakatulog na lamang ito at muli na namang napanaginipan ang lalaki.

Paggising ni Diane ay naghanda na ito upang pumasok. Walang ibang tao sa kanilang bahay kundi ang kanyang kapatid lamang na kakatapos lamang ng kolehiyo at ngayon ay nagtatrabaho na. Nang makarating siya sa paaralan ay nakasalubong niya si Jhon. Ngumiti siya at bumati sa binata ngunit hindi siya pinansin nito. Binalewala ito ng dalaga sa halip ay dumeretso agad ito sa kanilang silid-aralan.  Kahit pala ito ay medyo suplado ay may itsura naman ito sabi ng kanyang kaklase nang tanungin niya ang tungkol kay Jhon.

Nagdesisiyong pumunta muli si Diane sa library hindi upang mag-aral kundi puntahan ang hide out ni Jhon. Nakita niya ito sa loob na nag-aayos ng mga libro na nagamit ng mga estudyante. Didiretso na sana ito sa kanyang pupuntahan nang lumapit agad si Jhon sa kanya. Nabigla na lamang si Diane sa ginawa ng binata. Wala itong imik na sumunod kay Diane papasok ng kabinet.
Naalala na naman ni Jhon si Dianna nang marinig niya ang boses ni Diane na nagsasabi ng kumusta. Si Diane ang nauuna sa paglakad nila at nang pumasok ito ay hindi na napigilan ng binata na yakapin siya ng napakahigpit. Nagtaka ang dalaga kaya nagpumiglas ito ngunit sa higpit ay hindi niya matinag si Jhon. Habang siya ay nagpupumiglas ay pumasok na lang sa isip niya ang panaginip na paulit-ulit na nangyayari. Wala na siyang nagawa kaya niyakap na lamang din niya ang lalaki. Ilang sandali ay umiyak ang lalaki katulad ng sa panaginip ni Diane.

Matapos ang pag-iyak ay nangahas magtanong na lamang si Diane kung bakit ganoon na lamang ang kanyang nararamdaman sa tuwing makikita ito ng binata. Hindi ito umimik sa umpisa, hanggang sa nagsabi na rin ito ng totoo. Sinabi niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Dianna, at sinabi rin niya ang dahilan kung bakit naging magaan ang loob ni Jhon sa kanya dahil sa magkamukha sila ng kanyang dating minahal. Naantig ang damdamin ni Diane nang marinig ito mula sa kanya. Naisip niyang wala rin siyang magagawang tulong sa binata dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Tinitigan ni Jhon ng matagal si Diane…napakatagal na nagpapula ng kanyang mga pisngi. Simula noon ay nag-umpisa ng tumibok ang puso ng dalaga sa lalaking nasa panaginip niya.

          

The History of Blog's Name

       The “thE LiGhT bulb” embarks on when I told my brother about what will be his reaction or comment for “Autumn Iris”, my first option in naming my own blog. The “Autumn Iris” was taken from one of my favorite song Iris by the Goo Goo Dolls and the word Autumn was obtain from my very close friend who loves autumn even there is no season like that in our own country...

        At first I was bewildered and undecided about naming my blog the Autumn Iris, because I have no idea on what will I write or post to this kind of article, I have an insufficient knowledge on how will I expand and how to make the history of my blog’s name.

        I actually asked my brother about this. As he heard my reason on why I chose the Autumn Iris as the name of my blog, he promptly shouted me “What is that? So pangit!! I advice you to change it”, I was offended when he said that words. But actually, I was confused and worried on what will be my blog’s name. So I asked him again to suggest something cool, “I want it to be Janjan Pogi”. He joked. “Well, I guess you can name it Light Bulb for that”, he continued.

        “Yuck… so corny, tell me your point why you chose Light Bulb huh??” I said.

        “It was so obvious! Because light bulb symbolizes knowledge, don’t you get it? In various contests such as quiz bees, that sign was use by everybody. Very common…But really meaningful. How can you relate Autumn Iris when you are writing your knowledge and sharing your experiences to your blog?” he said.

        I guess he is really right. My blog’s name was cute, sound like I was so genius in terms of expressing my true feelings through writing. My blog is not only for the projects, but also for sharing various informations for the students that will help them. It is my conviction that there will be hundreds of followers when time goes by.

        I already thank my Kuya before I had post this article. He said that he was only joking that time and I already take it up seriously. Well, whatever he said, he helped me a lot.

I am a Responsible Netizen

                     Responsibility is a duty or obligation perform or complete a task (assinged by someone, or created by one's own promise or circumstances) that one must fulfill, and which has a consequent penalty or failure.
    The word netizen seems to have two similar meanings: One, A citizen who uses the Internet as a way of participating in political society (for example, exchanging views, providing information, and voting). And second, An Internet user who is trying to contribute to the Internet's use and growth. As a powerful communications medium, the Internet seems to offer great possibilities for social change. It also creates a new culture and its own special issues, such as who shall have access to it. The implication is that the Internet's users, who use and know most about it, have a responsibility to ensure that is used constructively while also fostering free speech and open access.

The Clash of the Titans


courtesy of wikipedia

   Ang pelikula ay nagsisimula sa kuwento ng Titans. Natalo sa wakas ang mga Titans sa pamamagitan ng kanilang mga anak Zeus ,Poseidon, at Hades, Nang makumbinsi ni Zeus si Hades na gumawa ng isang parang halimaw na nilalang, ang Kraken (na ginawa mula sa laman ni Hades). Si Zeus ang naging pinuno ng mga langit, Poseidon ay naging hari ng mga dagat, at si Hades ( na napaniwala ni Zeus) ay naiwan para pagharian ang Underworld. Si Zeus ang lumikha ng sangkatauhan, at di nagtagal ay nagsimula ng maglinlangan ang mga tao sa pamamalakad ng mga Dios.
            Isang libong taon ang lumipas, may isang mangingisda nagngangalang Spyros ay nakahanap ng isang kabaong sa dagat. Ang isang sanggol at ang kanyang ina na patay DanaĆ« ay nasa loob ito.Inampon ni Spyros ang bata at pinangalanang Perseus. Makalipas ang ilang taon, habang nakasakay si Perseus sa isang maliit na bangkang pangingisda kasama ang kanyang pamilya ay nasaksihan nila ang isang grupo ng mga sundalo mula sa Argos sa pagsira ng isang napakalaking rebulto ni Zeus, bilang isang deklarasyon ng digmaan laban sa mga dios. Lumitaw si Hades sa harap ng isang kawan ng mga harpies at ng mga kawal. Pagkatapos makamit ni Hades ang tagumpay, sinira nya ang bangkang kinasasakyan ng pamilya ni Perseus.
        Si Perseus ay natagpuan ng mga sundalo, na dinala siya sa Argos. Siya ay dinala sa harap ni King Cepheus at Reyna Cassiopeia ,sa panahon ng kanilang pagdiriwang ng digmaan para sa mga dios. Ang Hari ay gumagawa ng mga pahayag na nagpapakita ng kawalang-galang sa mga dios, at ang Reyna ay pinagkukumpara ang kanilang anak na babaeng si Andromeda sa diyosang si Aphrodite. 
            Nagalit ng lubha si Zeus, dahil dito binigyan ng pagkakataon si Hades na lumitaw sa harap ng kaniyang mga kapatid sa bundok ng Olympus. Sinabi ni Hades na ang mga dios ang dapat kumilos sa paghihiganti laban sa mga pag-aalsa, at kinumbinsi din nya si Zeus na payagang sirain ang Argos. Lumitaw si Hades sa courtroom at pinatay ang mga natitirang mga sundalo at iniligtas si Cassiopeia sa bingit ng kamatayan. Nagbabanta si Hades na kung si Prinsesa Andromeda ay hindi magsakripisyo para sa kaluguran ng mga dios sa loob ng sampung araw, ang Argos ay pupuksain sa pamamagitan ng Kraken. Nang paalis na si Hades ay nagpapakilala si Perseus bilang isang kalahating diyos. Si Hermes ,ang mensahero ng Diyos , ai ibinalita kay Zeus na ang kaniyang anak na si Perseus ay buhay at nasa Argos. Tumanggi si Zeus na protektahan ang anak ng malaman ito. 
          Ibinilanggo ng Hari si Perseus, dahil hindi siya ay lalaban para sa Argos laban sa mga dios. Si Io ang nagpakilala kay Perseus ng kanyang tunay na pamilya. Ito ay upang parusahan si Haring Acrisius para sa kanyang paglaban sa mga dios, nagpanggap si Zeus bilang si Haring Acrisius at siya ang nagging anak. Nang pinatangay ni Acrisius si DanaĆ« at ang sanggol na si Perseus sa agos ay isang galit na galit na Zeus ang nagpatama ng kidlat kay Acrisius na dahilan upang pumangit ang itsura nito. Sinabi din niya kay Perseus na hindi sya tatanda bilang parusa sa pagayaw nya sa panghihikayat ng diyos na si Poseidon. Pagkatapos malaman na ang pagpatay sa Kraken ay magpapahintulot sa kanya upang magkaroon ng paghihiganti laban sa Hades (dahil ito ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang pamilya) Si Perseus ay sumang-ayon na sumama sa pinakamagagaling na sundalo ng Argo sa isang paglalakbay upang mahanap ang Stygian Witches. 
Nang mahanap ni Hades si Acrisius, na tinatawag ng Calibos,ay sinabi ang kaniyang plano na gamitin ang Kraken sa pagsira sa Argos, Pinalakas ni Hades si Acrisius upang makapaghiganti kay Zeus para sa pagtataksil matapos ang labanan sa Titan at upang patayin si Perseus. 
Habang nasa gubat, na tuklasan ni Perseus ang tabak ng Olympus, pati na rin ang sagradong alaga na lumilipad na kabayo ni Zeus, ang Pegasi. Tinanggihan ni Perseus ang tabak, na maaaring lamang nyang gamitin, at Pegasus, na ang dios ang naghandog bilang tulong, sinabi ni Perseus na hindi nya nais na maging isang diyos. Inatake ni Calibos ang grupo at pinatay halos lahat ng mga praytoryan sundalo at sinubukang patayin si Perseus ngunit tumakas matapos putulin ni Draco ang kanyang kamay. Gayunman, ang dugo ni Caliboay nagging higanteng alakdan sa labas ng buhangin, na inatake si Perseus at pinatay ang lahat ng mga guwardiya, maliban kay Draco, Solon , Eusebios at Ixas. Sila ay nakaligats sa pamamagitan ng Djinn, isang pulutong ng mga dating taong shamans naging mga demonyo ng Arabian mythology, sa pamamagitan ng pagpapalit ng kanilang mga sugat sa gabok atitim na kapangyarihan. Hindi sila lubos na nagtitiwala sa Djinn hanggang ang kanilang lider na si Sheikh Suleiman ang gumamot ng mga sugat ni Perseus.At nang Makita nila Solon at Draco ang pagpapagaling kay Perseus na sa tingin nila ay sinasaktan ito,lumusob sila at sinubukang iligtas siya. Natalo niya ang lahat ng mga mandirigma at sinabi na ang tanging paraan upang matulungan si Perseus ay sa paglaban ng magkasama. Sumama ang Djinn sa grupo ni Perseus dahil nais din nilang Makita ang mga Dios. 
        Nang makarating sila sa mga Stygian witches ay sinabi ng mga ito na solusyon ay nasa ulo ng Gorgon medusa, na maaaring patayin ang Kraken pamamagitan n Gawin itong bato. Binigyan si Perseus ng babala na ang kanyang mga grupo ay mamamatay sa proseso at ang lahat ng mga Djinn, maliban kay Suleiman, iwan na ang mga ito. Umalis sina Ozal at Kucuk na nagsasabing hindi sila maaaring lumaban sa underworld. Binisita ni Zeus si Perseus at binigyan ng panlaban sa Mount Olympus, ngunit ito ay tinanggihan. Nagbigay na lang ng isang gintong drakma si Zeus bilang isang paraan upang suhulan si Charon, para sa mga pagdaan sa Underworld. 
        Sa paglaban sa Medusa , binaril ni Gorgon si Solon, atsiya’y namatay . Napatay naman ng Medusa sina Ixas at Eusebios. Perseus pagkatapos malinlang si medusa, at habang sinusubukan ni Sulieman ang pagpugot ng ulo nito ngunit humantong lamang sa paghiwa ng ilang mga ahas sa kanyang ulo. Natrap ni Medusa si Suleiman sa pamamagitan ng likaw ng buntot sa paligid nito at mga pagtatangkang gawing bato siya. Matapos isakripisyo ni Draco ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkuha ng atensyon ni medusa ay nagawa ni Perseus na putulin ang ulo nito. Pagusbong mula sa Underworld, nakita ni Perseus si Calibos ng saksakin nito si Io mula sa likod. Pagkatapos ng isang maikling duwelo, napatay ni Perseus si Calibos, gamit ang tabak mula sa Olimpus, na nagbalik kay Calibos sa pagiging tao. Sa kanyang huling hininga, Calibos (ngayon Acrisius) sinabi nito kay Perseus na huwag maging tulad ng mga dios.Nakita ni Perseus si Io na maging gintong alikabok. Pagkatapos bumalik na sa Argos si Perseus gamit ang kabayong si Pegasus dala-dala ang ulo ni medusa.
Sa Argos, ang mga sumasamba kay Hades ay inihahanda ng isakripisyo si Andromeda sa Kraken. Nang pakawalan na ang Kraken , sinabi ni Hades kay Zeus na ang pagsira ng Argos ay magbibigay sa kanya ng sapat na kapangyarihan upang ibagsak ang iba pang mga Olympians, na magtatapos sa kapangyarihan ni Zeus, bilang paghihiganti ni Zeus sa paglinlang sa kanya,sinabi ni Zeus na buhay pa si Perseus sa Argos. Kahit nagpadala si Hades ng kanyang harpies upang patayin si Perseus,nagawa pa ring talunin ni Perseus ang kraken sa pamamagitan ng ulo ni medusa at nailigats si Andromeda. Pinigilan ni Cepheus si Prokopion, ang lider ng kulto, sa pagpatay kay Andromeda ngunit pareho silang namatay ng mabagsakan ng durog na mga bato mula sa Kraken. Lumitaw si Hades at sinabing isa syang immortal kaya’t hindi sya mapapatay ni Perseus. Sinabi ni Perseus na si Hades ay maaaring mabuhay magpakailanman, ngunit hindi sa mundo ng mga tao. Pagkatapos ay ginamit niya ang Sword of Olympus na may kasamang kidlat mula kay Zeus na tumama sa dibdib ni Hades na nagpabalik ditto sa Underworld at hindi na nakita muli. Tinanung ni Andromeda kung papayag na maging hari ng Argos si Perseus ngunit siya ay tumanggi. Muling nag-alok si Zeus kay Perseus na sumama ito sa Olympus, ngunit muling tumanggi ito. Dahil nais manatili ni Perseus sa mundo, ibinalik na lang ni Zeus si Io bago ito tuluyang lumayo.