Minsan ang buhay natin ay parang isang puno na lumalaki at nagbabago na lamang sa paglipas ng panahon. Ang masaya at makulay na buhay ng isang nilalang sa mundo ay napakasarap balikan lalo na kapag ikaw ay may mga nakatutuwang alaala sa ugat ng ating pagkatao na nakatala sa mga dahon ng ating malayang isipan.
2 buwang gulang |
Tatlong buwan ako noong ako ay bininyagan. At doon lumaki mula pagkamulat hanggang sa ako ay unang nag-aral. Noong ako ay tatlong taong gulang, mahilig kaming ipasyal ng aking mga magulang at madalas din ang aming pagsisimba at kumakain sa iba't ibang lugar.
ako at ang aking kuya |
Noong ako ay nag-aaral na sa kinder ay nakilala ko ang aking kauna-unahang matalik na kaibigan, si Patricia T. Largo. Tandang-tanda ko pa noon, ako ang naging kinatawan ng buong klase upang kumanta sa aming Christmas Party. At iyon ay dahil sa kanya. Suportadong-suportado ako ni Patricia, kaya naman hindi ko siya malilimutan noon. Hindi parin nabubura sa isip ko ang mukha niya kahit iisa lamang ang larawan naming dalawa.
Nang ako ay nagtapos ng kinder ay umalis na ang buong mag-anak namin at dito na lamang nanirahan sa San Pablo. Anim na taong gulang ako noong kami ay lumipat dahil sa aking tiyahin. Nag-aral ako sa paaralang elementarya ng San Nicolas. Dahil nga sa ako ay bago sa lugar na iyon, hindi ko kinakausap ang aking mga kaklase maliban sa aking katabi na si Charmaine. Nakita ko ang katauhan ni Patricia kay Charmaine kaya naman mabilis na gumaan ang loob ko sa kanya. Grade 1-B ako noon ng nakalaban ko ang top sa section A na si Claudine dahil nakitang mas mataas daw ang aking mga marka sa card kaysa sa kanya. Pinaglaban kami noon dahil hindi makapagdesisyon ang aming mga guro kung sino sa aming dalawa ang gagawing first honor. Huli na kasi akong nag-enrol kaya naman ako napunta sa B. Noong pinaglaban na kami ay naging malamang siya ng dalawang puntos sa akin. Kaya naman si Claudine ang first honor at ako ang second, ka-tie ko pa noon si Emil na nagmula rin sa A.
Noong recognition ko noong grade 1, walang kahit isang bata ang nakakakilala sa akin kaya naman ako ay tahimik lamang sa aking kinauupuan. Dahil nga sa ako ay naging honor noon, napunta ako sa section A at naiwan ko si Charmaine. Sa pagpapatuloy ng aking buhay sa elementarya ay maraming karanasan ang dumating sa akin. Inilalaban ako sa iba't ibang subject tulad ng makabayan at science. Pero, ang pinakamaganda dyan, pag mayroong mga math contest ay ako ang ginagawang kinatawan ng buong paaralan. Masayang-masaya ako noon dahil paborito ko ang subject na math. Impluwensiya ito sa akin ng aking ama na ito rin ang hilig. Susud-sunod akong nagkaroon ng biyaya dahil patuloy lamang akong napapasali sa mga may karangalan. Pangalawa ako noong grade 2 at pangatlo naman mula grade 3 hanggang sa ako ay magtapos ng elemntarya na may karangalan ding Outstanding Girl Scout. Pero bago iyon ay isang magandang karanasan din na ako ay naihalal na pangulo ng aming paaralan na nagampanan ko naman ng maayos dahil sa matapang kong ugali.
Ngayong ako ay nasa hayskul na, maraming pagbabago ang dumating sa buhay ko. Bago ako maging estudyante sa Dizon High ay ipinasya kong kumuha ng entrance exam upang mabilang sa science section at nakapasok nga ako.
Marami rin akong naranasan ngayong ako ay nasa hayskul na. Dito ko nadiskubre ang aking iba't ibang talento katulad nga pagtula. Naranasan ko ring mapunta sa malalayong lugar dahil dito. Unang karanasan ko rito ang Balagtasan kung saan kasama ko si kuya Marvin at kuya Patrick sa Pasig. Tinuruan ako noon ni Sir Lacsam. Pati na rin ang Jazz Chant na ginanap sa Batangas at ang huli ay ang mga nakaraang laban ko lamang ngayong taon gaya ng sa APEX at sa NSO. Ang iba man ay nanalo at ang iba man sa mga laban kong ito ay di pinalad, mayroon naman akong baong karanasan sa mga ito. Ngayon na ako ay nasa ikaapat na taon na, sa ngayon ay pinagtutuunan ko ng pansin ang aking nalalabing pagtatapos ng hayskul.
Sa pagtatapos ng aking lathalain ay natuklasan ninyo ang mga alaala ng aking buhay mula sa aking pagkamulat hanggang sa kasalukuyan na nakatala hindi lamang sa blog na ito, pati na rin sa mga dahon ng aking sariling isipan na lubos namang nagpapaligaya sa atin ang ating mga alaala at nakakatuwang balikan na lamang sa tulong ng pamamahagi ng kwento at mga larawan.
No comments:
Post a Comment